Sabi kanina ni Kris Aquino sa GKNB, Ex-lovers can truly be the best of friends. Hahahaha. How nakakatawa naman that thought. Talaga lang, ha. Heeheehee. Nagbibiter-bitter ang lola mo. Wala lang. Ayun. Bat kaya ganon noh? Ang sakit isipin na naghiwalay na kayo. Pero mapapaisip ka din na diba nga, kaya ka nga nakipagbreak eh dahil naisip mo na ayaw mo na sa kanya at hindi kayo bagay at kung anu-ano pang chuva at achuchuchu? Tapos ngayon iisipin mo na ayyy.. hindi na niya ako namimiss. Aba hoy, babae. At ano sa palagay mo ang gagawin niya? magpapakalungkot siya para sa iyo? Oo nga, alam mo naman na tao siya at hindi naman siya baliw para magpakadepress sayo forever and ever, amen!
Pero, oh shit, swak na swak ang sakit, kumikirot kirot, arruuu nakupuanubatuandkunganuanopangchukchakchenes! Nakakalokah kasi hindi mo akalain na ang taong ikaw lang ang iniisip nung kayo'y umuusbong ang pagmamahal at nang kalauna'y namulaklak ng lubos-lubos ay may kinahuhumalingan nang iba. And kahit anong gawin mong pagisip na consolation sa iyong nadarama, hindi parin magbabago ang fact na hindi na ikaw ang kaniyang mahal.
But, then, think of it this way. Would you like it kung ikaw ang kinukulit niya? Would you like it kung ikaw ang sinusundan niya kahit saan ka magpunta? Would you like it kung masyado ka niyang sina-suffocate ng kakornihan niya Would you like it na maging kayo ulit just to grow out of your relationship again? Would you like to go back to your past? In tagalog, Gusto mo bang balikan ang nakaraan? As in, gusto mo bang muling ibalik ang tamis (ano kamo?) ng pagibig? Which is the reason why you broke up with him in the first place?
Hindi na diba? So be thankful na rin na hindi ikaw ang gumugulo sa isip niya. Be thankful dahil you're free and you're enjoying your freedom. Be thankful dahil wala kang aalalahanin and wala kang iisipin pa kundi sarili mo nalang. Oh diba, bongga? You're miss independent! Hahahaha. Natatawa ako, heeheeheehee.
Pero yun ang totoo. Live with it. Besides, may kasabihan po tayo: Kung kayo, kayo. Kung hindi, maghanap ka ng ibang ichuchuva moh.
Kaya lang naman ako nagsasalita ng ganito eh kasi bata. ay, Hindi. Eh kasi nakakabakla yung barkada kong nakausap ko kanina. So excuse the expressions ngayon. Wala lang. Feel ko lang. :D
O, baka mamaya isipin ninyong sarili ko ang tinutukoy ko dito. Hindi po. Ito ay para sa lahat.